Sabado, Hulyo 26, 2014

Luvimiah Islands aka Greater Philippines

Pinagmulan ng Pangalang Luvimiah 

                 Kalagitnaan ng taong 2007, sa silid aklatan ay may nabasa akong isang linya na nagsasabi "ang Pilipinas ay dapat palitan ng Luvimia(hango sa Lu-Vi-Mi o Luzon, Visayas, Mindanao) bilang pangalan". Sa aking pagkakatanda sa aklat na iyon ito ay nasulat sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig ng isang Pilipino.
                 Taong 2008 ng sinimulan kong gamitin ang salitang Luvimia bilang pamalit sa ngalang Pilipinas(hango mula sa ngalan ni Haring Philip ng Espanya). Agosto ng taon ding iyon ay isinama ko ang Sabah bilang bahagi ng Luvimia. Sa pagkakataong ito ay isinama ko sa Lu-Vi-Mi-(a?) ang "ah" mula sa Sabah.
               
 Mga Sakop ng Bansang Luvimiah/Pilipinas
 
              Ang kapuluang Pilipinas ay tinatawag ding Mas Pinalaking Pilipinas sa kadahilanang pagsama ng Sabah bilang bahagi ng Pilipinas, gayun din ang Kapuluan ng Kalayaan, Panatag, Benham at ibapa. Sa kasalukuyan ang ilang isla ay nananatiling pinag-aagawan ng mga bansang nakapaligid dito tulad ng Kalayaan at Panatag, gayundin ang Sabah. Ang Benham ay naging bahagi ng Pilipinas nuong 2012 nang kilalanin ng samahan ng Nagkakaisang mga Bansa.            
              Ang Mas Pinalaking Pilipinas ay tatawagin din bilang Luvimiah, ito ay binubuo ng Luzon, Visayas, Mindanao, Sabah at mga isla, batuhan at anyong dagat ng Kalayaan, Panatag, Benham at iba pang inaangkin ng Pilipinas.


Mga Katibayan ng Luvimiah/Pilipinas ukol sa Pinag-aagawang ng mga Isla
  •  Deed of 1878 -Kasulatan ng Pagpapaupa ng pamahalaang Sulu ukol sa Lupain ng Sabah.
  • Kasulatan ng Upa ng Malaysia - Kasulatang Upa taong 2003 at 2004 na ibinigay kay Datu Fuad A. Kiram.
  • Pag-aangkin at paghayag ni Pang. Marcos na bahagi ng Pilipinas ang Sabah Republic Act 5446 nuong 1968 at gayundin ang Kapuluan ng Kalayaan Presidential Decree No. 1596 nuong 1978.
  • Mga Mapa ng Pilipinas sa Panahon ng Kastila - Makikita ang Panatag bilang Panacot at ilang isla ng Kalayaan bilang bahagi ng Pilipinas.  
Katawagan sa mga Mamamayan ng Luvimiah

                  Ang mga mamamayan ng Luvimiah(Luvimyah/Lubimyah/Lubimya) ay tinatawag na Luvimian sa Ingles at Luvimiyano, Luvimyano/Luvimyana o Lubimyano/Lubimyana sa ating wika.

Mga Site na kaugnay:
  1. Benham Rise
  2. Sabah
  3. Kalayaan Municipality
  4. Luvimiah Islands